PLM President leads Positive Change

Untitled

“I would like to thank our concerned students for bringing this problem to my attention. I shall look into it right away. I assure you this will not cause a change for the first semester policy. I have directed the Concerned key officials to inform me of all other problems, conflicts, and issues that may arise from the adoption of the 2005 University Code. I have made it clear to all of them that our foremost objective is to ensure that we provide the proper support for our students as you are our primary reason for being here. I do appreciate your sending feedback and comments for the improvement of our University.”

That is the statement formally released earlier today by PLM’s President, Mam Lenny de Jesus, assuring Manila’s scholars that they have nothing to worry about and that her main priority is to make PLM for the students.

Ang sarap basahin hindi ba mga isko at iska? Kung iisipin, wala rin naman masama kung tataasan ang standard sa Pamantasan DAHIL KAYA NAMAN NATIN YUN. Kaya lang it adds to the pressure, but then again, once we set our minds into a specific goal, it’s almost impossible not to attain it.

Magandang hakbang ito na ginawa ng ating Presidente, it only goes to show na MAY CONCERN ANG PAMANTASAN sa pinakamalaking stockholder nito, ang mga estudyante, ang mga iskolar ng Maynila. Pinapatunayan nito na maganda ang pagbabago para sa Pamantasan, na bukas sa paikipagtulungan ang mga namamahala sa mga pinamamahalaan. Hindi na one way street na sila lang ang gagawa ng mga alituntunin nang hindi kinukuha ang pulso ng mga magaaral.

Kung ganito lagi sa Pamantasan ay malamang mas marami ang gaganahang mag-aral, dahil alam nila na suportado sila ng administrasyon at suportado sila ng isang maayos na sistema ng pamamalakad.

Ulitin nating basahin, “I have made it clear to all of them that our foremost objective is to ensure that we provide the proper support for our students as you are our primary reason for being here.” Hindi ba’t ang sarap ulit ulitin? Kasi alam natin na for the first time, pumapabor sa mga magaaral ang namumuno.

To sum it all up, mga kapwa isko at iska, hindi natin maiiwasan ang pagbabago, we just have to adapt to it and make sure that change will go to our favor. Hindi masama ang mga bagong patakaran, walang masama sa pagaangat ng imahe ng Pamantasan. Kakampi natin at hindi kalaban ang ating administrasyon.

To Mam Lenny, Mabuhay ka Ma’am! At maraming salamat po.

Categories: #experience

Angelica Isabel Castro is a current 4th year BS Architecture student at…

Leave A Reply