A Nurse Topnotcher’s Story

“One does not need to be a Laude in order to be a topnotcher”, says Mr. Elijah Catacutan Legaspi, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), Bachelor of Science in Nursing graduate last April 2014. He ranked first out of 26,690 takers who took the Nursing Licensure Exam (NLE) held last November 29 & 30, 2014 with an average score of 86.60% as the Professional Regulation Commision (PRC) released the results last January 24, 2015.

According to Mr. Legaspi, “Regular na student lang ako pero wala akong bagsak. Pero hindi din ako ung student na GC [Grade Conscious] na kailangan lagi akong uno. Ginagawa ko lang yung part ko as a student pero hindi ako yung over–achiever and hindi din naman ako yung black sheep sa school. So average na student lang” when asked about him graduating with flying colors.

 

Buhay Kolehiyo got the chance to have a brief interview with him:

 

Q: What paved the way and motivated you to reach that goal?

 

Legaspi: “Actually ang prayer ko is sana mag 100% yung batch namin kasi matagal-tagal na ding hindi nakapag-100% yung PLM. Yun lang talaga yung prayer ko. Feeling ko, bonus lang ni God yung pag-place sa akin doon tapos ang special lang kasi wala akong kahati sa 1.”

“Ang nagpapa-motivate sakin is hindi ung top. Ang pinaka-advice sa akin before, kapag nag board exam ka, problemahin mo kung paano ka papasa, wag mong problemahin yung pagiging topnotcher. Yung topnotcher na yan, bonus na lang yan sa pagtake ng board exam. Yung family ko ang motivation ko, siguro kung personal reasons ko, may pagka-achiever din ako. I want to prove na I deserve more, na hindi lang ako magse-settle dito. So gusto ko lagi ako nagsstrive and syempre gusto ko din magbring ng honor na may topnotcher sa family namin”

 

Q: Did you expect being the topnotcher?

 

L: “Kahit sinong magte-take ng board exams, hindi ka magkakaroon ng assurance, kahit yung makapasa. Minsan magse-self-doubt ka din. Yung tipong pagpasa na lang sa board exams ida-doubt mo pa sarili mo, so what more pa yung pagiging topnotcher”

 

Q: What are your preparations before taking the NLE?

 

L: “Regular lang akong uma-attend ng Sunday church services namin sa church. Wala naming nagbago sa relationship ko before na hindi purkit may hihilingin ka kay God, tsaka ka lang lalapit sa kanya. Dapat kung ano ka before, panindigan mo yung faith na yun. I admit, meron kaming ‘bible’ sa Nursing (We consider them as bible kasi yun yung books na dapat mo talaga basahin cover to cover kapag magbo-board exam ka). Hindi ako nakatapos ng book na yun. And yung mga binibigay nilang modules sa akin, hindi ko din natapos yun. Ang pinaka panlaban ko lang is yung mga questions na sinasagutan ko pag nasa bahay ako. Malaking tulong talaga pag nagpa-practice ka through different questions. One more thing pa pala, I consider din yung physical health ko, na hindi lang puro aral, na napupuyat ka na, na nakakalimutan mo kumain. Always find time na mafulfill mo yung physical needs mo kasi lahat ng yan mababale wala kung pagdating ng board exam may sakit ka. I made sure na hindi compromised yung sleep. I really valued my physical health in preparation for the board. In terms of sacrifices, less time for family bonding to give way sa pagrereview ko. Pero worth it naman ung sacrifices na yun kasi maganda yung board results”

 

Q: How did PLM helped you achieve this accomplishment?

 

L: “Culture na ng PLM magproduce ng topnotchers every year so nasa amin na yun kung i-aaccept ba namin yung challenge na kapag turn na naming magtake ng board exam, kailangan topnotchers din kami. Siguro yun yung pinaka-main influence nya sa akin, na kapag batch niyo na, makapag-produce dapat kayo ng topnotchers. Dapat mataas yung board rating namin”

 

Q: What was your Initial reaction when you knew about the results?

 

L: “That day before irelease yung results, kinakabahan ako. ‘Hala paano yun kapag ako lang yung hindi nakapasa sa batch namin’. Then ang daming nag message na ‘Congrats!’ then tinag ako as number one. ‘So wait, ano ibig niyong sabihin?’ Sabi ko ‘WEH’. Di ako naniniwala. Baka pinagtitripan ako ng mga to eh. Syempre, in-shock kasi hindi talaga ako nag-expect na magta-top ako. Nung sinabi ko sa parents ko, syempre masaya. Tumawag sila sa relatives namin to share. First time nagkaroon ng topnotcher sa both sides ng family ko kaya they were really proud of me especially grandma who’s in Nueva Ecija”

 

Q: How does it feel that the Press is looking after you?

 

L: “Walang magbabago. Actually di pa din nagsisink-in eh. Lahat tayo nakapasa. Lahat tayo Registered Nurses. Lahat tayo pantay-pantay. Etong board exam na to, numbers lang yan, wala diyan yung skills naten. Pag naging topnotcher ka, wag lalaki yung ulo, stay down to earth, mag thank you ka kapag binabati ka. Wag kang snob, then balikan mo lahat ng tumulong sayo, kung nasaan ka man ngayon. Pasalamatan mo ung mga professors mo and ung mga teachers mo. Wag kang makakalimot sa kanila.”

 

Q: How did you review?

 

L: “Nakakalat yung books everywhere [sa room]. May mga review bullets din na nakapost sa wall, pero mas lalo akong nastress kaya I removed it.”

 

 

Q: What is your message to our readers?

 

L: “To my future colleagues, huwag matakot mangarap! Always have faith in Him kasi hinding hindi nya tayo bibiguin. Hindi mahalaga kung gumraduate kang with honors o wala, ang mahlaga ay ang maipasa mo ang isa sa pinaka-importanteng exams ng iyong career. Hindi requirement ang pagiging Cum Laude para maging topnotcher. Ang mahalaga ay magkaroon ka ng disiplina sa sarili upang makamit mo ang mga goals mo. Para sa mga nursing students, nasa inyo ang future ng nursing profession! Kudos and keep the fire of Nightingale’s lamp burning! To God be the glory!”

 

 

Mr. Legaspi got plans of taking Medicine afterwards. He’s looking forward to taking the NMAT this coming November so that by next year, he can take his Medicine degree, still in his beloved state-university, PLM. For now, he’ll take part-time work but he wants to serve local hospitals to apply his knowledge in the field and serve his countrymen as well.

 

Congratulations to all the Registered Nurses out there!

Categories: #experience

Tags:

Leave A Reply